Nagdaan ang araw dumarami ang mga taong matapobre sa ating lipunan. Lahat ng mga bagay-bagay ay hindi pinapalagpas sa pagmamaliit nito. Masakit man isipin pero eto ang katotohanan sa atin henerasyon. Mas lumala nga dahil ang mga kabataan ang nag uuna sapagka't sila sana ang pag- asa ng bayan. Bakit ba ito nangyayari sa atin? Ano ang puno't dulo nitong klaseng pag uugali ng isang pilipino? Hali ka! Tunghayan natin ang mga sari- saring dahilan kung bakit ito lumalala at hindi nawawala sa ating pang araw- araw pagsalubong ng ating buhay.
Una sa lahat, ang mga taong mahirap ang bantog sa pagiging biktima sa diskriminasyon sa ating lipunan at kaawa-awa ito kung iisipin dahil hindi lahat ng tao ay pinagpala magkaroon ng kompletong pamilya, masasarap na pagkain na kakainin, magandang kutis, magarang pananamit at makapal na bulsa kung saan ito ay punong puno ng pera. Masakit man isipin na ang mga taong may ikakatulong sana ay sila pa itong nagiging dahilan kung bakit nagiging maliit ang pananaw ng mga taong may pangarap sa buhay. Ang mga kabataan ngayon ay hindi mapigilan sa mga kagustuhan mangyari sa kanilang buhay, lalo na ang mga anak mayaman kung saan ito ay hindi nakaranas ng hirap at pagsubok. Mahirap pigilan ang mga kabataan na wag manghusga,manglait at mangtapak sa mga taong nakakababa sa kanila dahil ang ugaling ito ay nagisngan nila sa pamumuhay na kung saan nasanay silang makihalubilo sa mga taong kapantay nila sa buhay. Sa buhay ay pantay- pantay tayo at ibig sabihin rin nito hindi lang sa mga mayayaman tao ang dahilan kung bakit nararanasan ang diskriminasyon kundi sa mga mahihirap rin. Panlalait sa kapwa tao ay hindi maiiwasan kung saan nakikita niyo iba siya o nakakaramdam kayo ng galit at inggit sa taong iyon. Hindi ito maiiwasan sa mga tao dahil nagisnan natin ito dati pa at kasali na ito sa ating pag- uugali. Ang paraan nalang kung paano matigil ito ay magsimulang respetuhin ang sarili at magkaroon ng bagong buhay kasama ang panginoon sa puso.
Ang buhay ay hindi madali dahil lahat tayo ay hindi perpekto, lahat tayo ay may kahinaan at kapintasan. Ang pagkakaroon ng determinasyon sa pag abot ng pangarap ang magiging daan sa pagkakaroon ng mga bagay- bagay na iyong inaasam makuha. Tandaan natin na hindi lahat madadaan sa pera dahil ang pagmamahal at respeto sa kapwa ay makukuha sa pagiging makumbaba at pagbibigay ng respeto sa kakulangan nila bilang mamamayan sa atin bayan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento